^

Metro

Ama ni Laarni kinasuhan

-
Magsasampa ng mga kasong kriminal ang mga may-ari ng lupa sa Eternal Gardens Memorial Park laban kay Alfredo Enriquez, ama ng aktres na si Laarni Enriquez.

Ang mga may-ari ng lote sa pangunguna ng magkapatid na Francisco at Joseph Ong ay magsasampa ng mga kasong "offending of religious feelings and desecration of the dead, theft at damage to property" matapos na matuklasan ng mga ito noong Nobyembre 1 nang dumalaw sila sa kanilang mga mahal sa buhay na ang mga musoleo ay marumi at puro sulat ng mga upahang armadong guwardiya ni Enriquez.

Bukod dito, marami rin umanong nawawalang mga mahahalagang gamit kabilang ang mga gold plated ornamental na may Chinese characters na nakalagay sa pangalan ng kanilang yumao at ninakaw din umano pati ang mga kable ng kuryente, airconditioning units at mga bombilya ng ilaw.

Inakusahan din nina Ong si Enriquez ng pagbalewala ng kanilang religious feelings at desecrating of the dead sa pamamagitan ng puwersahang pagkuha ng kanilang mga lote at paglalagay ng mga yero sa paligid ng mga libingan sa tulong na rin umano ng mga armadong miyembro ng Special Weapons and Tactics (SWAT) ng PNP simula noong Oktubre at mayroon nang dalawang nakalibing dito ang nailipat sa ibang libingan dahil sa pagharang sa kanila ng huli.

Matatandaang binakuran ng matandang Enriquez ang may 13.5 ektarya ng nasabing libingan subalit nagharap ng Temporary Restraining Order (TRO) sa Caloocan City Regional Trial Court Branch 126 sina Ong at pagbigyan silang makapasok dito simula noong Oktubre 31 hanggang Nobyembre 3 upang makadalaw sa kanilang mga yumao. (Ulat ni Gemma Amargo)

ALFREDO ENRIQUEZ

CALOOCAN CITY REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

ENRIQUEZ

ETERNAL GARDENS MEMORIAL PARK

GEMMA AMARGO

JOSEPH ONG

LAARNI ENRIQUEZ

NOBYEMBRE

OKTUBRE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with