Suspected Russian terrorist pinigil sa NAIA
November 14, 2000 | 12:00am
Pinigil kahapon ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) na nakatalaga sa NAIA ang isang Russian national na hininalang miyembro ng isang grupo ng international terrorist makaraang makumpiska mula sa pag-iingat nito ang dalawang pasaporte.
Kinilala ni Maximo So, hepe ng BI Intelligence Unit sa NAIA, ang suspek na si Alexev Polukhim, na may tangang Nauru passport.
Nabatid na ginamit ng suspek ang pangalang Alex Polukhin sa pekeng Nauru passport na isinumite nito sa mga awtoridad ng dumating sa bansa bilang transient passenger lulan ng Air Nauru flight ON-411.
Inamin ng dayuhan na nabili niya ang huwad na pasaporte sa sindikatong nakabase sa Hong Kong sa halagang US$30,000 at balak umano nitong gamitin sa pagtungo sa Canada.
Sinabi naman ni Tom Natividad, BI senior intelligence officer na si Polukhim ay kahawig ng isa sa mga Russian nationals na kabilang sa watchlist order ng mga hinihinalang miyembro ng international terrorists group. (Ulat ni Butch Quejada)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended