Pamangkin ni Asistio inireklamo ng pananakit
November 14, 2000 | 12:00am
Ipinagharap ng kasong serious physical injuries, trespassing at illegal possession of firearms ng isang lalaki ang umanoy pamangkin ni Caloocan City Congressman Luis "Baby" Asistio.
Sa pahayag ng biktimang si Emilio Pascual Jr., ng Bankers Village, Congressional Ave. nasabing lungsod, halos isang linggo siyang nagpagaling sa Quezon City General Hospital sanhi ng tinamong pagkabasag ng mukha at mga pasa sa katawan.
Sa kanyang salaysay, dakong alas-12:30 ng madaling araw noong nakaraang Nobyembre 2 ng biglang pumasok sa kanilang compound ang suspek na si Antonio "Boy Tonton" Asistio Jr., na armado ng shotgun at umanoy sabog sa droga at may hinahanap na tao.
Sinabi ng biktima na hindi niya kilala ang hinahanap nito kayat siya ang pinagbalingan at sa harap ng mga pamangkin ay pinagpapalo ito ng shotgun sa mukha at tumakas.
Makalipas ang isang linggong pagkaratay sa ospital ay saka ito nagharap ng reklamo laban sa batang Asistio. Ang suspek ay anak ni Asistio Sr. na kapatid ni Congressman Asistio ng 2nd district ng lungsod. (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 23, 2024 - 12:00am