Sekretarya inutas sa trucking firm

Isang sekretarya ng trucking firm ang nabaril at napatay habang sugatan naman ang kasamahan nito makaraang pasukin ng hindi pa kilalang suspek ang Winners Trucking Corp. sa Binondo, Maynila kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang biktimang si Edna Aniceto, 43, may asawa at stay-in secretary ng naturang kompanya, samantalang nasugatan naman si Armando Ramos, 23, ng 856 Area H Parola Compound, Binondo, na nagtamo ng isang tama ng bala ng baril sa pigi nito.

Nabatid pa ng pulisya na ganap na alas-6 ng gabi kamakalawa, habang ang mga biktima ay abala sa kanilang pagtatrabaho nang bigla na lamang pumasok ang suspek sa nasabing kompanya.

Samantala, ang suspek na may edad 30-anyos, katamtaman ang pangangatawan ay mabilis na tumakas papalabas ng nasabing kompanya. (Ulat ni Angie dela Cruz)

Show comments