Negosyanteng tsinoy todas sa ambush
November 12, 2000 | 12:00am
Pinagbabaril hanggang sa mapatay ng dalawang armadong kalalakihan ang isang 42-anyos na negosyanteng Tsinoy kamakalawa ng gabi sa Quezon City.
Hindi na umabot ng buhay sa Dr. Carlos Lanting General Hospital sanhi ng tinamong tatlong tama ng bala ng baril sa katawan at ulo ang biktimang si William Chua ng 123-B Ramoy st., Bgy. Talipapa, Novaliches ng nasabing lungsod.
Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-6:30 ng gabi nang tambangan ng mga hindi nakikilalang suspek ang biktima habang binabagtas nito ang kahabaan ng Quirino Highway at Tandang Sora habang lulan ng kanyang Nissan Sentra na may plate no. WGH-686.
Bigla na lamang umanong huminto ang isang motorsiklo sakay ang dalawang suspek sa tapat ng kotse ng biktima at isa sa mga ito ang bumaba at pinagbabaril ang biktima.
May teorya naman ang pulisya na kompetisyon at kalaban nito sa negosyo ang dahilan ng pagpatay sa biktima. (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am