400 motorista tiklo sa Seat Belt Law
November 9, 2000 | 12:00am
Tila nagulantang at halatang walang kahandaan ang mga motorista sa buong Metro Manila sa pag-iimplementa ng Seat Belt Law matapos na makahuli ang mga flying squad ng Land Transportation Office (LTO) ng higit 400 mga drivers na lumabag dito.
Dapat sanang inimplementa ang batas sa seat belt noong Nobyembre 1 ngunit sinuspinde dahil sa mga nagdaang bagyo at ipinatupad lamang nitong nakaraang Lunes.
Iniulat ng LTO na pawang mga driver ng mga pampublikong jeepney at bus ang mga nadakip ng mga flying squad. Inaasahan na umano ito dahil sa matinding pagkondena ng mga lider ng mga transport groups sa batas dahil sa kawalan ng malinaw na guidelines na ipapatupad.
Inirereklamo ng mga ito ang ukol sa guideline kung matigas ang ulo ng pasahero at ayaw mag-seat belt. Sinabi nila na ibo-boycott ang batas hanggang hindi narerebisa ang regulasyon dito.
Base rin sa record ng LTO, 204 sa mga nadakip ay walang nakalagay na seat belt sa kanilang sasakyan habang ang iba ay hindi nakasuot sa mga pasahero at driver.
Ayon sa LTO, inaasahan na nila na mahirap sumunod sa umpisa ang mga Pinoy sa batas na ito dahil nakasanayan na ng mga publikong pasahero ang hindi gumamit ng seat belt sa bara-barang sistema ng transportasyon sa bansa ngunit tiwala rin sila na makakasanayan din ang paggamit nito kapag nabatid na ang kahalagahan nito.(Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended