Anak ng may-ari ng Velayo pawnshop natagpuang patay
November 9, 2000 | 12:00am
Palaisipan ngayon sa pulisya ang misteryosong pagkamatay ng anak ng may-ari ng isa sa pinakamalaking tindahan ng alahas sa bansa matapos matagpuan ang naagnas na bangkay nito, kahapon ng tanghali sa Las Piñas City.
Kinilala ni SPO1 Benjamin Javier, ng Criminal Investigation Division (CID)-Las Piñas Police ang biktimang si Rodolfo Velayo Jr., 50, negosyante at anak ni Ding Velayo, may-ari ng Ding Velayo Pawnshop and Jewelry Store at residente ng #22 Guada Sanchez st., B.F. Resort Bgy. Talon 2.
Sa pahayag ng isang Alice Laurente, 50, ng Real st., kapitbahay at malapit na kaibigan ng pamilya Velayo, dakong alas-12:30 kahapon ng tanghali ng madiskubre niya ang naaagnas na bangkay sa loob ng bahay ng biktima.
Ayon kay Laurente, huli silang nagkita ng biktima noong Oktubre 29 ng magpahanap ang huli ng buyer sa ibebenta niyang bahay. May isang linggo na umanong hindi niya nakikita ang biktima kaya minabuti niyang puntahan, subalit nagtaka ito dahil sarado ang bahay at nang puwersahin niyang buksan ay masamang amoy ang sumalubong sa kanya.
Isa sa sinisiyasat ng pulisya ay anggulong akyat-bahay gang dahil mistulang binagyo ang bahay ng biktima dahil sa sobrang gulo ng puntahan ng rumespondeng mga pulis.
Napag-alaman din na mag-isa lamang si Velayo na nakatira sa bahay nito kung saan itoy hiwalay sa asawa. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended