Pambili ng bigas naipatalo sa karera; adik nagbigti
November 7, 2000 | 12:00am
Sa takot mapagalitan ng magulang matapos maipatalo sa karera ang perang pambili ng bigas, isang 20-anyos na umano’y adik ang nagbigti kahapon ng umaga sa kanilang bahay sa Caloocan City.
Natagpuang nakabitin sa kisame ng kuwarto nito ang biktimang si Renato Alejo ng 123 2nd st., 4th Ave. ng nabanggit na lungsod.
Sa imbestigasyon ni C/Insp. Alfredo Corpuz ng Caloocan police, huling nakitang buhay ang biktima noong Linggo ng umaga nang tumaya ito sa karera ng kabayo subalit hanggang kinagabihan ay hindi ito tumatama sa kanyang piniling kabayo.
Napag-alaman na maging ang perang pambili ng bigas na iniwan ng kanyang mga magulang ay naitaya na rin nito kaya’t matamlay itong umuwi kinagabihan at nagkulong sa kuwarto at hindi na lumabas.
Kahapon, dakong alas-7 ng umaga ay laking gulat ng mga kamag-anak nito nang matuklasang nagbigti ito. Isang suicide note ang nakuha sa tabi ng bangkay nito na nagsasaad ng paghingi ng tawad sa kanyang mga magulang sa kanyang nagawang kasalanan.
Sinabi ng pulisya na maaaring sa sobrang takot sa kanyang mga magulang at kalungkutan nang matalo sa sugal na karera ang dahilan ng pagpapakamatay.
Patuloy namang nagsasagawa ng malalim na imbestigasyon ang pulisya kung may naganap na foul play sa nasabing insidente. (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 25, 2025 - 12:00am