Mayor Mathay di kakalas kay Erap
November 7, 2000 | 12:00am
Sa kabila ng pagkondena at panlilibak sa pamunuan ni Pangulong Estrada at kaliwat kanang paghingi sa Chief Executive ng ibat ibang sektor para lisanin nito ang puwesto, patuloy namang naninindigan si Quezon City Mayor Mel Mathay Jr. na nasa likod pa rin siya ng Pangulo.
Ang pahayag ay ginawa ng alkalde kaugnay ng naglabasang ulat na ang mga mayor sa bansa ay hindi na sumusuporta kay Pangulong Estrada dulot ng matinding pagkakaladkad sa Pangulo sa jueteng scandal at hindi maresolbang krisis sa pulitika at ekonomiya ng bansa.
Binigyang-diin ni Mathay na kailanman ay hindi niya isosoli ang "kandila" kay Pangulong Estrada dahil marami na at malalim ang kanilang pagiging magkaibigan nito.
Naniniwala si Mathay na ang pagtutulungan lamang ng bawat isa ang mahusay na pundasyon upang maisaayos ang lahat ng gusot sa bansa. (Ulat ni Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended