Bangkay ng lalaki natagpuan sa breakwater ng Baseco Compound
November 6, 2000 | 12:00am
Isang hindi pa nakikilalang lalaki ang natagpuang lumulutang-lutang sa may breakwater sa Baseco Compound, Port Area, Maynila kahapon ng umaga na malamang na biktima ng malakas na bagyong Seniang.
Ayon sa mga imbestigador ng WDPO Homicide Unit nakasuot pa umano ng basketball uniform ang biktima, naka-short at sando na may nakasulat na numerong 34 at salitang ‘‘hoops’’ sa likod ng nasabing sando.
Ayon kay Homicide Detective Joey De Ocampo, mga 25 hanggang 30 taong gulang ang biktima, may taas na 5’6 hanggang 5’7, malaki ang katawan; at maiksi ang buhok.
‘‘Sa tingin namin ay matagal na rin itong nakababad sa tubig dahil sa itsura ng bangkay. Nakakita rin kami ng mga sugat, pasa at bukol sa iba’t ibang parte ng katawan na nagsasabing malamang na humampas pa ito sa mga bato ng dalampasigan,’’ ani De Ocampo.
May toerya ang pulisya na hindi taga-Baseco ang biktima at naanod lamang ito at napadpad sa naturang lugar dahil sa lakas ng along dulot ng bagyong Seniang. (Ulat ni Andi Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended