Itatayong munisipyo ng Malabon tinutuligsa
November 6, 2000 | 12:00am
Kinondena ng isang konsehal ng Malabon ang palpak na pagplano ng bagong munisipyo na nagkakahalaga ng P130 milyon na kilalang bahain sa Metro Manila.
Ayon kay Konsehal Edilberto Eddie Torres, kitang-kita ngayon ang kapalpakan sa pagpili sa isang lote sa barangay Catmon lugar na katitirikan ng bagong munisipyo.
Bahain ang lugar kaya hanggang ngayon ay ni pundasyon ng ginagawang gusali ay hindi pa matapos-tapos. Kailangan nating isa-isip na isang taon ang projected completion date ng proyektong ito na sinimulan noong pang Pebrero, sabi ni Torres.
Si Torres, kasama ang isa pang reformist na konsehal na si Konsehala Chiqui Roque, ang tumutuligsa sa iatatayong bagong munisipyo dahil ang lumang munisipyo ay kayang punan ang pangangailangan ng bayan.
Umutang ang bayan ng Malabon ng P130 million sa Philippine National Bank (PNB) para lamang may panustos sa paggawa ng gusali, na dapat ay ginamit ang pera sa mga flood control projects na kailangang dito sa Malabon.
Ma-anomalya rin umano ang pagpaplano pati ang pagkakaloob ng pamahalaang bayan na pinamumunuan ni Mayor Amado Boy Vicencio ng kontrata sa Serg Construction Inc. at Project Management Group Inc. joint venture na umano, ayon kay Torres ay pawang di lisensyado ng Philippine contractors accreditation Board (PCAB). (Ulat ni Rainier Allan Ronda)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended