Mag-iina natusta sa sunog
November 5, 2000 | 12:00am
Isang ginang at dalawa nitong anak ang natusta sa sunog na tumupok sa kanilang bahay sa Sampaloc, Maynila, kahapon ng madaling araw.
Kinilala ni Vicente Sayson ang mga bangkay ng kanyang asawang si Arlene, 34, at mga anak nilang sina Melrose, 6, at Arnel, 4.
Narekober ang mga biktima sa natupok na tatlong palapag na bahay na nasa 1708 Mindanao extension, Balic-Balic, Sampaloc.
Ayon kay arson investigator SFO2 Joven Sagala, nagsimula ang sunog dakong alas-11:25 ng gabi sanhi ng biglaang pagkakaroon ng kuryente kasunod ng malawakang brownout dulot ng bagyong Seniang.
Ayon kay Vicente, sa pagmamadali niyang makalabas ng bahay ay nakalimutan niyang gisingin ang kanyang mag-iina na natutulog sa third floor, kung saan sila na-trap habang ang buong second floor ay nasusunog.
Ayon sa mga residente, ang bahay ay pag-aari ng 74-anyos na ina ni Arlene na si Anunciasion Ligbos, na siyang nagpagawa ng third floor para sa pamilya ng kanyang anak. (Ulat ni Nestor Etolle)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended