Lolo tiklo sa pang-uumit ng 20 seat belt
November 5, 2000 | 12:00am
Isang lolo ang naaresto kahapon ng mga elemento ng Western Police District Office (WPDO) Station 11 matapos nitong isalisi ang 20 piraso ng seat belt na gagamitin sana nito sa mga pag-aaring sasakyan.
Hindi na nakalibre sa gastos ay hindi pa nakaligtas sa batas ang suspek na nakilalang si Ernesto Medina, 56, may asawa at residente ng 1334 Fermin Tubras st., Tondo, Maynila matapos masakote hinggil sa umanoy pagnanakaw ng mga nasabing seat belt mula sa tindahan ng negosyanteng si Alvin Sy, 23, residente ng 653 F. Torres st., Binondo sa naturang lungsod.
Sa panayam kay Capt. Carlito Valenzuela ng Station 11 ng WPDO, ganap na alas-9 ng umaga kahapon ay nagkunwang bibili ng mga seat belt ang suspek mula sa tindahan ni Sy para umano ilagay sa mga pag-aaring sasakyan dahil fully implemented na ang Seat Belt Act sa lahat ng sasakyan sa buong bansa at upang hindi mahuli ng LTO at gumastos ng malaking halaga sa naturang seat belt na P500 ang bawat isa.
Nang makalingat ang tindera ay bigla na lamang umanong naglahong parang bula ang suspek dala ang 20 piraso ng seat belt na nakapaloob pa sa isang malaking kahon.
Agad nagsumbong ang tindera at rumesponde si SPO4 Carmelino Torres. Hindi pa nakakalayo ang suspek ay agad itong nasukol ng pulisya. (Ulat ni Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended