Namatay habang ginagamot sa Valenzuela District Hospital ang nasawi na si Epifanio de Guzman, 21, binata. Malubha namang nasugatan sina Benedict de Guzman, Melchor Belen, Marino Marquez, Rogelio Arangones, Jonathan Belda at Felix Buenaobra, pawang mga stay-in sa EC Chang Plating Shop na matatagpuan sa #38 Francisco compound, Rincon st., Malinta ng nabanggit na lungsod.
Base sa naantalang ulat ng pulisya, dakong alas-8 kamakalawa ng umaga habang nasa kasagsagan ng bagyong Seniang ng biglang umihip ang malakas na hangin at itumba nito ang malaking pader malapit sa tinutulugang barracks ng mga biktima.
Habang natutulog ang mga biktima ay walang kamalay-malay ang mga ito na natumba na ang pader na nakapalibot sa kanilang barracks.
Nagawa namang makatakbo ng ilan pa nitong mga kasamahan maliban ang mga malapit sa pader na bumagsak na kinabibilangan ng nasawi at anim na malubhang nasugatan.
Hanggang sa kasalukuyan ay nasa kritikal na kondisyon pa rin ang anim matapos na magtamo ng malalalim ng sugat sa kanilang mga katawan. (Ulat ni Gemma Amargo)