^

Metro

Seat Belt Act ipapatupad ngayon

-
Umpisa na ngayong araw na ito ang full blast operation ng Land Transportation Office (LTO) para manghuli ng mga sasakyan na walang seat belt, alinsunod sa napagtibay na Seat Belt Act.

Sinabi ni LTO Flying Squad Operation Chief, Atty. Antonio Marquez, dapat sana ay noon pang November 1 naisagawa ang pangkalahatang operasyon sa Seat Belt Act subalit dahil sa pista-opisyal ang nasabing araw, ito ay itinakda na lamang mula ngayong araw na ito ng Biyernes.

Binigyang-diin ni Marquez na wala nang gagawing patawad ang LTO laban sa mga sasakyang walang seat belt tulad ng mga jeep at bus dahil may isang taon nang pinagbigyan ang naturang mga may-ari ng nabanggit na mga sasakyan.

Alinsunod sa Seat Belt Act, ang jeep ay kailangang may seat belt ang driver at dalawang pasahero nito sa unahan ng sasakyan, habang sa panig ng bus, ang driver at unang dalawang upuan nito ay dapat na may seat belt.

Ang driver ng sasakyan ang aako ng multa ng bawat pasahero na di magsi-seat belt, P250 ang multa sa unang offense, P500 sa ikalawa at P1,000 at isang linggong kanselasyon ng driver’s license sa ikatlong paglabag.

Kaugnay nito, hiniling kahapon ng nagkakaisang 7,000 miyembro ng Makati Jeepney Operators and Drivers Alliance (MJODA); Federation of Jeepney Operators and Drivers Association (FEJODAP); Cubao Jeepney Operators and Drivers Association at Southern Tagalog Jeepney Operators and Drivers Alliance, ang pagpapaliban sa pagpapatupad ng nasabing batas dahil sa kakulangan umano ng kaalaman dito ng publiko, partikular ang mga driver.

Anila, bago ito ipatupad, kinakailangan aniyang mabigyan ng higit na kaalaman ang mga motorista sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga guidelines upang higit na maintindihan ito ng publiko lalo na ang mga ordinary public utility vehicles tulad ng mga taxi at jeep dahil kung wala aniyang gaanong kaalaman ang publiko sa nasabing batas, hindi ito magiging epektibo at marami pa ring driver ang lalabag dito.

Applicable lamang umano ito sa private utility vehicles at hindi sa mga jeep at ordinary bus. (Ulat nina Angie dela Cruz/Lordeth Bonilla)

vuukle comment

ANTONIO MARQUEZ

BELT

DRIVERS ALLIANCE

DRIVERS ASSOCIATION

FLYING SQUAD OPERATION CHIEF

LAND TRANSPORTATION OFFICE

SEAT

SEAT BELT ACT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with