Magkapitbahay nagpatayan dahil kay Erap
November 3, 2000 | 12:00am
Dalawa katao ang patay at isa ang kritikal sa pagtatalo ng magkakapitbahay kung dapat bang patalsikin si Pangulong Estrada, kamakalawa ng hapon sa Tondo, Maynila.
Agad namatay si Benjamin Busa, 45, mangingisda, samantalang hindi na umabot ng buhay sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center si Eugenio Amora, 20, construction worker.
Ginagamot naman sa nasabing ospital ang suspek na si Perlito Bacolod, 44, sanhi ng tinamong mga tama ng saksak sa likod habang kasalukuyang pinaghahanap ng mga awtoridad ang tumakas na anak nitong nakilala sa alyas na Ondo.
Sa ulat ni SPO3 Ismael dela Cruz ng Western Police District, Homicide Section, dakong 5:30 ng hapon kamakalawa nang marinig ng mga kapitbahay sa 221 Purok 4 Isla Puting Bato, Parola compound na nagtatalo ang apat hinggil sa mga bantang pagpapatalsik sa Presidente ng bansa.
Hindi na namalayan ng mga nakasaksi kung sino ang pabor at kontra dahil bigla na lamang naglabas ng mga patalim ang dalawang panig at nagrambulan at nakita na lamang na duguang nakahandusay sa kalsada ang tatlo samantalang tumakas na si Ondo. (Ulat ni Andi Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended