^

Metro

15-anyos ligtas sa rapist na 'multo'

-
Nagpanggap na multo ang isang lalaki upang makapanggahasa ng isang 15-anyos na dalagita na kanyang kapitbahay, kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City.

Ang suspek na agad namang naaresto ay nakilalang si Edwin Aquino, 22, may asawa, ng Phase 9, Bagong Silang ng nabanggit na lungsod.

Samantala, ang biktima na agad namang nakapiglas sa suspek ay itinago sa pangalang Juanita, kapitbahay ng suspek.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-3 kahapon ng madaling-araw nang maganap ang tangkang panggagahasa sa biktima sa loob ng silid nito.

Ayon sa biktima, natutulog siya nang maalimpungatan at makita ang isang puting anino subalit inakala umano nito na tinatakot lamang siya ng kanyang lola na kanyang kasama sa bahay kung kaya’t hindi niya ito pinansin.

Subalit laking takot ng biktima nang tabihan siya ng nasabing anino sa kanyang pagkakahiga at paglalamasin sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa kabila ng takot ay nagawang makapiglas ng biktima at naitulak ang walang saplot sa katawang suspek at malakas na nagsisigaw na ikinagising ng kanyang lola.

Sa takot namang mahuli ni Aquino ay mabilis itong tumakas subalit sa kanyang pagmamadali ay naiwan nito ang kanyang t-shirt at sandals na kanyang hinubad matapos na puwersahang makapasok sa loob ng nasabing bahay na siya ring naging dahilan upang makilala ito ng biktima at ng kanyang lola.

Nabatid pa na ang nasabing insidente ay ikalawa nang pagtatangka ng suspek sa biktima. (Ulat ni Gemma Amargo)

vuukle comment

AQUINO

AYON

BAGONG SILANG

BIKTIMA

CALOOCAN CITY

EDWIN AQUINO

GEMMA AMARGO

JUANITA

KANYANG

NABATID

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with