^

Metro

10-anyos nagbigti nang bawalang makibarkada sa mga bading

-
Matapos pagalitan ng ina at pagbawalang lumabas at makipagbarkada sa mga bakla, isang 10-anyos na batang lalaki ang nagbigti kamakalawa ng gabi sa Valenzuela.

Hindi na umabot ng buhay sa Calalang General Hospital si Salvador Barcelon Jr., residente ng 1836 BBB Marulas ng nasabing lungsod.

Sa pagsisiyasat ni PO2 Venancio Santiago ng Valenzuela police, dakong alas-7 ng gabi nang maganap ang insidente.

Ayon sa inang si Elvira, napagalitan niya ang kanyang anak sanhi ng lagi nitong paglabas ng bahay at pakikipagbarkada sa mga bakla sa kanilang lugar kung kaya’t maaari umanong dinamdam nito na nauwi sa pagpapakamatay.

Kinagabihan pagbalik ng ina ay nagtaka ito kung bakit naka-lock ang kanilang pinto at laking gulat nang makita ang anak na nakalungayngay at nakapulupot sa leeg ang isang sinturon at ang dulo ay itinali sa handle ng kanilang refrigerator.

Bago nadiskubre ang bangkay ng bata ay nakita pa itong naliligo dakong alas-4 ng hapon. Nag-iisa lamang ito sa bahay nang maganap ang pagpapakamatay. (Ulat ni Gemma Amargo)

AYON

CALALANG GENERAL HOSPITAL

ELVIRA

GEMMA AMARGO

KINAGABIHAN

MARULAS

MATAPOS

SALVADOR BARCELON JR.

VALENZUELA

VENANCIO SANTIAGO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with