^

Metro

Kinidnap na Korean Student naisalba

-
Nailigtas ang isang kinidnap na estudyanteng Koreano habang naaresto naman ang dalawang kidnaper nito sa isang operasyon ng pinagsanib na puwersa ng Presidential Anti-Organized Crime Task Force (PAOCTF), Makati City Police at District Intelligence and Investigation Division ng Southern Police District (SPD) sa Lungsod ng Quezon, kamakalawa ng gabi.

Sa ulat na nakarating kahapon sa tanggapan ni PAOCTF at PNP Chief Director Gen. Panfilo Lacson, nakilala ang biktima na si Park Jung Hwan, 25, nag-aaral sa hindi nabanggit na unibersidad sa Maynila.

Kinilala naman ang naarestong mga suspek na sina Kang Suk Dong at Baek Joon Ho. Ang dalawa ay pinaghihinalaang miyembro ng kilabot na Korean Mafia na sangkot sa "kidnap-for-ransom activities" laban sa kapwa nila Koreano.

Si Park ay nabawi sa isinagawang dragnet operation ng mga awtoridad sa Hai-Dong Gungdo Sword Sports Gym sa Aurora Blvd., Cubao kung saan Chairman-Grand Master ang suspek na si Kang.

Si Park ay dinukot ng walong armadong Korean nationals nitong Biyernes ng hapon habang kasalukuyang nagpapagamot sa Hana Medical Clinic sa LPL Bldg., Buendia Ave., Makati City.

Naniniwala ang mga awtoridad na ang nasabing grupo ang responsable sa serye ng mga kaso ng kidnaping laban sa mga estudyante at mga turistang Koreano sa bansa kung saan kanilang ipinadadala ang "ransom demand" sa pamilya ng mga biktima sa Korea. (Ulat nina Joy Cantos/Lordeth Bonilla)

AURORA BLVD

BAEK JOON HO

BUENDIA AVE

CHAIRMAN-GRAND MASTER

CHIEF DIRECTOR GEN

DISTRICT INTELLIGENCE AND INVESTIGATION DIVISION

HAI-DONG GUNGDO SWORD SPORTS GYM

HANA MEDICAL CLINIC

KOREANO

SI PARK

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with