^

Metro

Karapatan ng mga bata ipagtanggol - Jamby

-
Bilang paggunita sa National Children’s Month, nanawagan si Presidential Adviser for Children’s Affairs Jamby Abad Santos Madrigal sa lahat ng sektor na ipagtanggol ang karapatan ng mga bata at labanan ang lahat ng uri ng child exploitation.

Sa ginanap na rally ng mga bata at mga magulang sa Caloocan City, binigyang-diin ni Madrigal na ang mga kabataan ang pinakamahalagang kayamanan ng bansa, "ang kasalukuyan at kinabukasan."

Bilang Palace adviser para sa kapakanan ng mga bata, pangunahing prayoridad ni Madrigal ang tamang edukasyon at nutrisyon sa mga ito.

Kamakailan ay naglibot ito sa iba’t ibang lugar sa bansa at namahagi ng mga children’s books at school books. Nagsagawa rin siya ng kampanya laban sa illegal drugs at drug abuse upang mailigtas ang mga kabataan mula sa talamak na ipinagbabawal na gamot at mapigilan ang pagkalat ng mga ito at masangkot sa gawaing kriminal.

Pinuri ni Madrigal ang mga lokal na opisyal ng Caloocan City dahil sa paglikha ng children-friendly programs sa larangan ng edukasyon at nutrisyon. (Ulat ni Rowena Del Prado)

AFFAIRS JAMBY ABAD SANTOS MADRIGAL

BILANG

BILANG PALACE

CALOOCAN CITY

KAMAKAILAN

NAGSAGAWA

NATIONAL CHILDREN

PRESIDENTIAL ADVISER

ROWENA DEL PRADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with