Bangkay ng mangingisda natagpuan sa ilog
October 31, 2000 | 12:00am
Nag-iwan ng isang biktima ang bagyong Reming sa Marikina City matapos na malambat ng isang mangingisda ang bangkay ng isang lalaki sa Marikina river, kahapon ng umaga.
Sa ulat ni PO3 Ricardo Mendoza, imbestigador, bandang alas-6 ng umaga kahapon nang matagpuan ni Nestor Castillo, isang mangingisda ng #48 Salubad st., Bgy. Nangka, ang bangkay ng di pa nakikilalang lalaki sa may River Bank resettlement area.
Nabatid na ang natagpuang bangkay ay nakasuot lamang ng brief na nasa 40-45 taong gulang, 5’6’’ ang taas.
Dahil wala namang saksak o tama ng baril sa katawan ang bangkay bukod sa ilang sugat na natagpuan rito, hinihinala ng pulisya na naligo sa ilog ang naturang biktima ngunit tinangay ng malakas na agos. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended