Kumanta ng 'My Way' inutas
October 31, 2000 | 12:00am
Isa na namang lalaki ang nabiktima ng kantang "My Way," matapos itong pagsasaksakin hanggang sa mapatay ng hindi pa kilalang salarin habang kinakanta ng una ang nasabing awitin sa isang video bar sa Pasay City, kahapon ng madaling-araw.
Kinilala ni Cris Gabutin, ng Criminal Investigation Division (CID), Pasay City Police ang biktimang si Germigildo Callejo Jr., 46, binata, nakatira sa Phase 17, Lot 14, 12th st., Villamor Airbase ng nabanggit na lungsod. Idineklara itong dead-on-arrival sa Pasay City General Hospital sanhi ng ilang saksak sa ibat ibang bahagi ng katawan.
Samantala, hindi pa nakikilala ang suspek na mabilis na tumakas.
Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-12:30 kahapon ng madaling-araw sa Kings Videoke Bar na matatagpuan sa #36 Andrew Avenue, Pasay City ay nakikipag-inuman ang biktima sa kanyang mga kaibigan na sina Jaime Paz, Ricardo Dimaano at Jun Peyra.
Nabatid na kinuha ni Callejo ang microphone at kumanta ito ng sikat na awitin ni Frank Sinatra na "My Way."
Habang umaawit ang biktima, sa di malamang dahilan ay tumayo ang isa sa anim na suspek na nag-iinuman din sa nasabing videoke bar.
Bumunot ito ng patalim at inundayan ng ilang saksak ang biktima hanggang sa nagkagulo ang mga nag-iinuman doon.
Mabilis na dinala ng mga kaibigan ang biktima sa nasabing ospital subalit binawian na ito ng buhay. Sa ngayon ay pinaghahanap ng mga kagawad ng Pasay City Police ang responsable sa insidente. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended