Dumagsa ang tinatayang 200 mga nagpoprotesta sa harap ng Archbishops Residence, Villa San Miguel, sa may Shaw Blvd., Mandaluyong City dakong alas-9:30 ng umaga upang suportahan ang Pangulo laban umano sa paggamit ni Sin sa Simbahan upang makialam sa mga aktibidades ng pamahalaan.
Sinabi ng organizer ng piket na si Jose Cordova, pangulo ng Movement for Justice, Economy, Environment and Peace, na tinutuligsa nila ang ginawang pag-amin nito sa pagtanggap ng Simbahan sa P1.8M na solicitation mula sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) upang gamitin sa proyekto para sa mga maralita.
Nagulat umano sila sa pahayag ng Kardinal na walang masama sa pagtanggap ng naturang pera dahil sa ibinabahagi naman niya ito sa mga mahihirap. Itoy kabaligtaran umano niya sa panawagan nito sa pagkondena sa lahat ng uri ng sugal at maging ang pagkontra nito sa Pangulo.
Idinagdag pa nito na wala umanong natatanggap ang mga mahihirap mula sa naturang pera. "Ang ginawa naming pagbato ng tuyo at kamatis ay bilang pagpapakita upang makatikim naman ang Kardinal ng pagkain ng mga mahihirap," ani Cordova. (Ulat ni Joy Cantos)