Nakipagtalo sa impeachment ni Erap, driver tinodas
October 28, 2000 | 12:00am
Isang driver ng pampasaherong jeep ang iniulat na nasawi makaraang saksakin ng kainuman habang nagtatalo sa impeachment ni Pangulong Joseph Estrada, kamakalawa ng hapon sa Brgy. Pulang Lupa, Las Piñas City.
Idineklarang dead-on- arrival sa Jasmir Memorial General Hospital ang biktimang si Romeo Sarmiento, 42, may asawa, ng 1214 Tramo St.,Zapote Road, Brgy. Pulang Lupa ng nasabing lungsod.
Samantala, ang suspek na ngayon ay tinutugis ng pulisya ay nakilalang si Rudy Reyes, 35, residente din ng naturang lugar.
Batay sa imbestigasyon ni SPO2 Willy Dalawangbayan, may hawak ng kaso, naganap ang krimen dakong alas-4:30 ng hapon kamakalawa habang ang dalawa ay magkasamang nag-iinuman ng alak sa naturang lugar.
Ayon sa ulat ng pulisya, lumalabas na nagpalitan ng maanghang na salita sina Sarmiento at Reyes na pawang mga lango sa alak hinggil sa isasagawang impeachment laban kay Erap.
Hanggang sa mauwi sa sigawan bago inundayan ng saksak ng patalim ng suspek si Sarmiento na nagresulta sa kanyang pagkamatay. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended