^

Metro

21 estudyante inaresto sa paglalaro ng bilyar

-
May 21 high school students, pito dito ay mga babae, ang naaresto kamakalawa ng umaga ng pulisya sa bayan ng San Juan bilang kampanya nila sa hindi pagkunsinti sa mga ito sa pagliban sa klase kung saan paglalaro lamang ng bilyar ang pinagkakaabalahan.

Sinabi ni Supt. Gilberto Cruz, hepe ng San Juan police, sa halip na agad na ibigay sa kanilang mga magulang ang naarestong mga estudyante ng San Juan Municipal High School, pinag-aaralan niya ang pagpapasailalim ng mga ito sa walong oras na community work bilang parusa.

Nabatid na napakaraming reklamo ang natatanggap ng pulisya mula sa mga magulang ukol sa pagka-adik ng mga estudyante sa bilyar at sa halip na sa paaralan pumasok ay sa bilyaran namamalagi at dito inuubos ang kanilang mga baon.

Naaresto ang mga kabataan dakong alas-7 ng umaga habang naglalaro sa Hotspot Billiard sa N. Domingo st., San Juan. Ikinatwiran pa ng isa na huli na sila sa klase kaya nagpapalipas na lang ng oras sa bilyaran na kinahuhumalingan na ngayon.

Sinabi ni Cruz na maaari umanong paglinisin nila ang mga estudyante sa mga bahay-ampunan sa San Juan at pag-alagain ng mga ulila upang mabatid ng mga ito kung gaano sila kasuwerte dahil sa may mga magulang silang nagpapaaral sa kanila.

Sa ilalim din ng ipinapatupad na ordinansa, pagmumultahin ang bilyarang mahuhulihan na may mga menor-de-edad na naglalaro sa kanila. Maaari ring mapaso ang permit nito kapag tuluy-tuloy ang paglabag dito na mahigpit na ipinapatupad ngayon ng pulisya dahil sa napakaraming bilyarang nagsulputan.

Sinabi ni Cruz na magpapadala sila ng notice sa may-ari ng Hotspot Billiard at nakatakda nilang sampahan ng kaukulang kaso. (Ulat ni Danilo Garcia)

CRUZ

DANILO GARCIA

DOMINGO

GILBERTO CRUZ

HOTSPOT BILLIARD

IKINATWIRAN

SAN JUAN

SAN JUAN MUNICIPAL HIGH SCHOOL

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with