^

Metro

Mark Jimenez tatakbong Manila mayor

-
Nagpaplano umano ang kontrobersyal na presidential friend na si Mark Jimenez na tumakbo bilang alkalde ng Maynila sa darating na Mayo 2001 elections upang harapin sina Manila Mayor Lito Atienza at DILG Secretary Alfredo Lim.

Ayon sa mapagkakatiwalaang source, siniguro nito na may plano si Mark Jimenez (Mark Crespo sa tunay na buhay) na tumakbo bilang alkalde ng Maynila laban kina Mayor Atienza at Sec. Lim.

Inaasahan naman ni Jimenez, kasalukuyang chairman of the board ng bagong Manila Times, na siya ang magiging opisyal na kandidato ng Lapian ng Masang Pilipino (LAMP) ni Pangulong Estrada.

"Siyempre, mas malapit siya (Jimenez) kay Pangulong Estrada kaysa kina Atienza at Lim kaya malaki ang tsansa niyang mapagwagian ang darating na mayoral elections sa Maynila," wika pa ng source.

Idinagdag pa ng impormante, wala na umanong plano si dating First Lady Imelda Marcos na tumakbong mayor ng Maynila kundi ang tinatarget nito ay ang congressional seat sa 6th District.

Nabatid din na maging si Sec. Lim ay hindi pa rin umano desidido kung tatakbo ito bilang alkalde ng Maynila matapos "payuhan" daw ito ng Iglesia ni Cristo (INC) na huwag tumuloy sa kanyang plano.

Inihayag naman kamakalawa ni Lim na wala rin siyang plano na tumakbo bilang senador sa darating na halalan kahit siya ang nangunguna sa iba’t ibang surveys. (Ulat ni Rudy Andal)

vuukle comment

FIRST LADY IMELDA MARCOS

JIMENEZ

MANILA MAYOR LITO ATIENZA

MANILA TIMES

MARK CRESPO

MARK JIMENEZ

MASANG PILIPINO

MAYNILA

MAYOR ATIENZA

PANGULONG ESTRADA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with