^

Metro

Salpukan ng bus, pick-up: 1 patay, 6 grabe

-
Isang engineer ang nasawi, samantalang anim na katao ang malubhang nasugatan matapos magsalpukan ang isang bus at pick-up van kamakalawa ng gabi sa Makati City.

Hindi na umabot pa ng buhay sa Ospital ng Makati ang biktimang si Benneth Bala, 44, may asawa, nakatira sa #44 Kaligtasan st., Bgy. Holy Spirit, Quezon City.

Samantala, kinilala naman ang anim na sugatan na sina Segundo Bravo, 51, farmer, ng Block 13, Lot 3, Jacinto st., Bgy. Rizal, Makati City at asawa nitong si Emelita, 49; Myrna Pernante, 24, may asawa, ng Santan st., Maricaban, Pasay City; Jefferson Pernante, 24, may asawa, delivery crew; Resilena Salabao, 35, dalaga, walang trabaho, ng Bato Leyte at Aquilana Serdan, 27, ng Malabon; ang mga ito ay ginagamot sa nabanggit na ospital.

Base sa imbestigasyon ni SPO1 Orlando de Leon, ng Makati City Traffic Enforcement Group, naganap ang insidente dakong alas-10:30 kamakalawa ng gabi sa northbound lane ng EDSA Avenue, Guadalupe, Makati City.

Nabatid na nagsalpukan ang isang Mazda pick-up van na may plakang UPA-848 at minamaneho ng nasawing si Bala at isang Philtranco bus liner na may plakang DVP-982, sakay naman dito ang anim na sugatan at minamaneho ito ng isang nagngangalang Andres Castillano, 37, may asawa, at nakatira sa #981 P. Noval st., Sampaloc, Manila.

Napag-alaman na hindi umano nakontrol ni Bala ang preno ng kanyang minamanehong sasakyan na naging dahilan upang gumawi sa northbound lane na nagresulta upang magbanggaan sila ng nasabing bus. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

ANDRES CASTILLANO

AQUILANA SERDAN

BALA

BATO LEYTE

BENNETH BALA

BGY

HOLY SPIRIT

JEFFERSON PERNANTE

LORDETH BONILLA

MAKATI CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with