Bukod dito, inutusan din ni Judge Librado Correa ng Branch 163 ang akusadong si Eduardo Flores, 40, ng M.L. Quezon st., Purok 3, Lower Bicutan, Taguig na magbayad sa kanyang biktima ng halagang P200,000 bilang damages.
Sa rekord ng korte, unang hinalay ng akusado ang biktima dakong alas-9 ng gabi noong Hulyo 5, 1999.
Dahil sa pananakot ng ama, sinarili na lamang ng biktima ang pangyayari. Muling naulit ang panghahalay sa kanya noong Agosto 8 dakong alas-11 ng gabi habang sabog umano sa droga si Flores.
Hindi pa nakuntento, pinagkaperahan pa ng akusado ang kanyang anak nang ibenta niya ito sa kanyang kaibigang si Willie Toledo noong Nobyembre 15, 1999. Muling ibinugaw ang biktima ng ama noong Nob. 28.
Dito na nagpasyang magsumbong sa barangay tanod ang biktima na nagresulta upang madakip si Flores. Ibinasura naman ng korte ang alibi ng akusado dahil sa positibong pagkilala sa kanya ng biktima. (Ulat ni Danilo Garcia)