Nakabigti ng strap ng bag sa loob ng comfort room ng Criminal Investigation Division (CID) detention cell ang biktimang si Ernie Riola, 21, barbero, may kasong murder at nakatira sa Block 6 Lot 11 Commonwealth Ave., QC.
Sinabi ng isang kasamahan sa selda ng biktima na si Roy Natividad na nakita umano niya itong nagbabasa ng Bibliya bandang alas-4 ng madaling-araw sa loob ng kanilang piitan sa CID.
Nagdaramdam umano ang biktima dahil simula nang makulong ito, isang linggo na ang nakakaraan ay walang dumadalaw sa kanyang mga kaanak o kaibigan.
Kinasuhan ng murder si Riola dahil sa ginawa umanong pagpatay sa kanilang kapitbahay na si Jay Capulong. Walang inirekomendang piyansa ang QC Prosecutors Office para sa pansamantalang kalayaan nito.
Nagtataka naman ang ilang detenido kung bakit nananatili sa detention cell ng CID ang biktima gayong noong Okt. 16 pa ito na-inquest sa piskalya kaya dapat ay inilipat na ito sa QC jail.
Iniutos naman kahapon ni CPD director Victor Luga kung mayroon foul play sa nasabing insidente upang mabatid kung ang detenido ay nagbigti o sadyang binigti sa loob ng selda. (Ulat ni Rudy Andal)