Binata nangholdap ng pang-entrance exam sa UP
October 24, 2000 | 12:00am
Isang 24-anyos na out-of-school youth na nagnanais lamang umano na makakuha ng examination sa University of the Philippines (UP) subalit walang sapat na perang pambayad, ang naaresto matapos itong mangholdap ng isang taxi driver, kahapon ng madaling-araw sa UP Campus, Diliman, Quezon City.
Kinilala ni Supt. Ernesto Tesoro, CPD-Station 9 chief, ang naarestong suspek na si Jovinal Baja, binata, walang trabaho at nakatira sa Kaingin 1, Bgy. Pansol, Old Balara, QC.
Sa ulat ni Supt. Tesoro, bandang alas-2 ng madaling-araw kahapon habang namamasada ng kanyang minamanehong taxi si Romeo Alcantara, 52, ng Jordan Plains, Novaliches, QC, nang parahin ito ng suspek sa kahabaan ng University Avenue, UP campus.
Pagkasakay umano ng suspek sa naturang taxi ay naglabas ito ng patalim saka tinutukan ang driver at pilit na kinukuha ang P300 kinita nito sa pamamasada subalit nanlaban si Alcantara.
Sinaksak ng suspek ang biktima subalit sinalag niya ito kaya nagtamo ito ng sugat sa braso saka siya mabilis na humingi ng tulong hanggang sa bumaba si Baja ng taxi at tumakbo subalit naabutan ng mga security guard at pulisya sa Pook Ricarte, UP campus.
Iginiit ng suspek na napilitan siyang mangholdap upang magkaroon ng pera na kanyang ibabayad sa pagkuha ng UP-College Admission Test (UP-CAT).
Hindi naman naniniwala ang pulisya sa pananalita ng suspek na nagawa niyang mangholdap para lamang sa pambayad ng examination sa UP dahil matagal na umano itong sinusubaybayan ng mga awtoridad sa kanyang operasyon sa loob ng naturang campus. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest