Misis nanganak sa loob ng taxi dahil tinanggihan ng ospital
October 23, 2000 | 12:00am
Dahil sa pagtanggi umano ng isang malaking pagamutan sa isang 21-anyos na single parent na tanggapin dahil sa walang pandeposito, napilitang magluwal ito ng isang malusog na sanggol na babae sa loob ng sinakyan nitong taxicab kahapon ng madaling araw sa Quezon City.
Ang ginang na nagsilang ng sanggol sa loob ng isang Kia pride taxi na may plakang PVY-867 ay kinilalang si Heaven Cesar, walang trabaho at nakatira sa QI compound, Bgy. Doña Imelda, Quezon City. Ang sanggol na kanyang iniluwal sa loob ng taxi ay balak nitong pangalanan ng Kia dahil ito ang tatak ng kotseng pinanganakan niya.
Ayon sa kaibigan ng biktima na si Joan, bandang alas-4 ng madaling-araw nang sumakit ang tiyan ni Heaven kung kaya’t dali-dali niya itong dinala sa Delgado Hospital.
Subalit pagdating sa naturang pagamutan ay kinakailangan itong magbayad ng deposito bago ito tanggapin pero wala naman silang dalang pera kaya tinanggihan ito ng ospital at inirekomenda na lamang ang isang malapit na klinika dahil maliit lamang ang kanilang babayaran.
Isinakay ang biktima sa nasabing taxi, subalit ilang minuto pa lang ang nakalilipas ay napaanak na ito sa loob ng sasakyan. Dinala naman ng may mabuting-loob na taxi driver ang mag-ina sa Quirino Memorial Hospital.
Magugunita na mahigpit na ipinagbabawal ng Department of Health (DOH) na tanggihan ang sinumang pasyente lalo pa kung emergency cases dahil lamang sa kawalan ng pang-deposito sa ospital. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am