6 driver tiklo sa shabu session
October 22, 2000 | 12:00am
Anim na driver ang inaresto ng mga elemento ng Western Police District Command (WPDC) matapos maaktuhang nagsasagawa ng pot session sa loob ng isang bahay, kamakalawa ng gabi sa Maynila.
Kasalukuyang nakakulong sa Station 7 ng WPDC sina Eduardo Francisco, 41; Reynante de Jesus, 25; Edwin Quinas, 38; Juanito de Jesus, 19; Manuel Monzon, 45; at Edgar de Guzman, 30, pawang mga driver at nakatira sa Tondo, Manila.
Nakuha mula sa mga suspek ang ibat ibang shabu paraphernalias tulad ng plastic sachet na may shabu, residue, tooter at lighter.
Nabatid kay SPO1 Serafin Galpo, may hawak ng kaso, isang concerned citizen ang nagsuplong sa pulisya na isang pot session ang isinasagawa ng mga suspek sa loob ng bahay sa #7651 sa Severino Reyes, Tondo at ng kanilang respondehan, naaktuhan ng mga pulis ang paggamit ng bawal na gamot ng mga ito.
Tatakas pa sana ang ilan sa anim subalit agad nakordon ng mga pinakalat na elemento ng WPDC. Takdang sampahan ng kasong paglabag sa PD 6425 o Anti-Drugs Law ang mga suspek. (ULat ni Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended