Sinermunan ng ama, senglot na anak nagbigti

Sa sama ng loob sa kanyang magulang dahil sa madalas na pagsermon sa kanya, isang 25-anyos na umano’y lasenggo ang nagpatiwakal sa pamamagitan ng pagbibigti, kahapon ng umaga sa Quezon City.

Kinilala ni SPO1 Rafael de Peralta, ng Central Police District-Criminal Investigation Division (CPD-CID) ang nagpakamatay na si Jerry Tocero, may asawa, ng 30 Batong Buhay st., Galas, QC.

Sa pahayag ni Lannie Tocero, asawa ng biktima, dakong ala-una ng madaling-araw nang umuwi siya ng bahay at pagbukas nito ng pintuan ng kanilang kuwarto ay nadatnang nakabitin ang asawa nito sa pintuan gamit ang isang sinturon.

Ayon sa ilang kamag-anak, problemado ang biktima sa kanyang pamilya kaya’t palagi itong naglalasing.

Bago magpatiwakal ang biktima, napag-alaman na dumating ang kanyang ama sa kanilang bahay at nadatnan itong umiinom at ito’y pinagalitan.

Labis umanong dinamdam ng biktima ang sinabi sa kanya ng ama at nagdesisyon itong kitlin ang sariling buhay. (Ulat ni Rudy Andal)

Show comments