Shabu at mga armas nilimas sa QC court
October 20, 2000 | 12:00am
Nilimas ng hindi pa nakikilalang mga suspek ang pitong matataas na kalibre ng mga armas at 1,200 gramo ng shabu na pawang mga ebidensiya sa mga kasong hinahawakan ni Quezon City Regional Trial Court Judge Diosdado Peralta ng Branch 95.
Ang mga suspek ay dumaan sa nakabukas na pintuan at lumabas sa nakabukas na bintana sa sala ni Judge Peralta. Nakakita ang pulisya ng fingerprints ng tatlong tao.
Hindi naman nakuha ng mga suspek ang lima pang mahahabang armas tulad ng M16 rifle, shotgun at isang magazine na nakatago sa isa pang kabinet sa sala ng judge.
Walang dokumentong nawala subalit sinabi ni Judge Peralta na pansamantala niyang ihihinto ang pagdinig sa mga kasong hinahawakan habang iniimbestigahan ang naturang insidente.
Si Judge Peralta ang humahawak ng kaso ng suspected drug lord na si Alfredo Tiongco.
Inaalam pa kung inside job ang naganap na nakawan. (ULat ni Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended