Bank exec tiklo sa pamboboso
October 20, 2000 | 12:00am
Inaresto ng mga kagawad ng Makati City Police ang isang vice-president ng isang banko, matapos umano nitong bosohan sa pamamagitan ng pagkuha ng video camera ang isang 23-anyos na dalaga sa Glorietta IV, Ayala Commercial Center, Makati City kahapon ng tanghali.
Nasa custody ngayon ng Makati City Police ang suspek na nakilalang si Daniel Yu, 46, may asawa, vice-president ng United Coconut Planters Bank (UCPB) sa hindi nabanggit na sangay at nakatira sa #36 Apitong Road, Cinco Hermanos Subd., Marikina City.
Samantala, ang biktima ay itinago sa pangalang Arlene, business manager, ng hindi binanggit na kumpanya at nakatira sa Mandaluyong City.
Base sa pahayag ng biktima kay PO2 Ricky Mel Corpuz, ng General Assignment Section (GAS), Makati City Police, naganap ang insidente dakong alas-11:26 kahapon ng tanghali sa Glorietta IV Mall.
Habang paakyat ang biktima sa escalator ng nasabing mall, nakita ng nakatalagang guwardiya na nakilalang si Lourdes Paconeso na binobosohan ng suspek sa pamamagitan ng pagkuha ng video camera ang nasabing dalaga.
Mabilis na sinita ni Paconeso si Yu at pinigil kung saan ipinagbigay-alam ang insidente sa Makati City Police.
Sa pagresponde ng nasabing mga alagad ng batas, inaresto nila ang suspek at nakumpiska dito ang isang Olympus camera.Nakatakda itong sampahan ng kasong unjust vexation. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended