Maingay sa inuman kinatay, sinunog
October 19, 2000 | 12:00am
Isang pinagputul-putol at sinunog na bangkay ng isang street sweeper na nakasilid sa dalawang sako ang natagpuan matapos itong brutal na patayin ng walo katao na magkakamag-anak, kamakalawa ng gabi sa isang bakanteng lote sa UE Subdivision, Potrero, Malabon.
Kinilala ni Supt. Ernesto Fojas, hepe ng Malabon police ang biktima na si Renato Guilling, 30, ng Duhat Road, Bgy. Potrero, nasabing bayan.
Kaagad namang nadakip ang lima sa walong magpipinsan na sina Armando, 24; Jeffrey, 16; Ferdinand Gonzales; Alipio Portares, 26, at Dominique Oliquiano.
Samantala, patuloy na pinaghahanap sina Ernesto Gonzales Jr. at Ernesto Sr. at Ricardo Gonzales na pawang residente ng Madrigal st., Karuhatan, Valenzuela City.
Sa imbestigasyon ni PO2 Peter Rios, may hawak ng kaso, dakong alas-5 kamakalawa ng gabi nang matagpuan ang nangangamoy na bangkay ng biktima sa isang madilim na bakanteng lote sa may Danwoody st., UE Subd., Potrero, Malabon.
Huling nakitang buhay ang biktima matapos itong umalis noong Linggo at nagpaalam sa kanilang kamag-anak hanggang sa mapadaan ito sa grupo ng mga suspek na noon ay nag-iinuman at simula noon ay hindi na ito nakabalik pa sa kanilang bahay.
Samantala, ang pagkakadakip sa mga suspek ay dahilan sa pagtestigo ni Melvin Gonzales, 16, at kamag-anak ng una na siyang nakakita sa pagpatay sa biktima.
Ayon kay Melvin, nang mapadaan umano ang biktima sa grupo ng mga suspek ay pinainom nila ito hanggang sa malasing at naging makulit at maingay kung kaya’t nairita umano ang huli at pinatay si Guilling sa pamamagitan ng pagpalo dito at pagtaga.
Sunog at chop-chop ang katawan na nakasilid sa dalawang sako nang matagpuan ang bangkay nito na mabaho at nabubulok na.
Kasalukuyang nakapiit ang limang suspek habang inihahanda ang pagsasampa ng kaso. (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended