MCU school nasunog
October 18, 2000 | 12:00am
Tinatayang may 15 milyong pisong halaga ng mga ari-arian ang naabo makaraang masunog ang apat na palapag na gusali ng Manila Central University (MCU) College of Business Administration, kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City.
Sa inisyal na imbestigasyon nina SFO2 Randy Resurreccion at FO2 Alex Marquex ng Caloocan fire department, dakong alas-12:10 ng madaling-araw nang magsimulang sumiklab ang apoy sa isang stall ng dry goods na pag-aari ng isang Lina Figueroa hanggang sa madamay ang nasabing paaralan.
May hinala naman ang mga pamatay-sunog na nagsimula ang apoy sa mga salasalabid na linya ng kuryente na ginagamit ng mga ilegal na may-ari ng commercial stall hanggang sa kumalat ang apoy.
Sinabi rin ng ilang mga tindera na habang nagliligpit sila ng paninda ay bigla na lamang may sumiklab sa kawad ng kuryente. Walang iniulat na nasugatan. (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended