^

Metro

Tax amnesty sa Q.C. pina-i-extend

-
Hinikayat ni Quezon City Mayor Mel Mathay Jr. ang QC Council na i-extend ang implementasyon ng tax amnesty mula sa September 30 at gawing Nobyembre 30 taong ito upang bigyan ng sapat na panahon ang mga delinquent real property taxpayers na makapagbayad ng kanilang tax obligation at tuloy ay makalikom pa ang pamahalaang lunsod ng dagdag na pondo mula sa buwis sa lupa.

Kaugnay nito upang mabigyang daan ang kahilingan ni Mathay, nagsampa ng ordinansa si QC Councilor Pinggoy Lagumbay upang amyendahan ang Ordinance 931-S-200 upang mapalawig ang tax amnesty hanggang Nob. 20.

Nabatid sa real property division ng QC Hall na mahigit lamang sa 5,000 delinquent taxpayers ang nagbayad ng buwis mula sa humigit-kumulang na 20,000. Umaasa na makakalikom ng P100 milyon mula sa naturang tax amnesty. (Ulat ni Angie dela Cruz)

vuukle comment

ANGIE

COUNCILOR PINGGOY LAGUMBAY

CRUZ

HINIKAYAT

KAUGNAY

MATHAY

NABATID

NOBYEMBRE

QUEZON CITY MAYOR MEL MATHAY JR.

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with