^

Metro

2 'Abu' tiklo sa extortion

-
Dalawang pekeng miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) na nagtangkang mangulekta ng P.1 milyon bilang pondo ng kanilang organisasyon ang naaresto ng mga awtoridad sa isinagawang entrapment operations, kamakalawa sa Fairview, Quezon City.

Kinilala ni CPD director Victor Luga ang mga pekeng ASG na magkapatid na sina Zaldy at Mario Zaldarriaga, pawang dating helper ng isang Leonido Gines, 62, may-ari ng repacking firm sa Lagro, QC.

Sa pahayag ng biktimang si Gines, simula nitong Setyembre ay tumanggap siya ng tawag sa telepono mula sa isang lalaki na nagpakilalang miyembro ng ASG at mga demand letter na humihingi ng P100,000 bilang suporta sa kanilang organisasyon. Humingi ito ng tulong sa pulisya hanggang sa magsagawa sila kamakalawa ng hapon ng entrapment operations sa parking lot ng SM Fairview at naaresto ang mga ito hanggang sa matuklasan na pawang tauhan ito ni Gines na kanyang tinanggal sa trabaho.

Inihahanda ang kasong extortion laban sa mga ito. (Ulat ni Rudy Andal)

ABU SAYYAF GROUP

DALAWANG

FAIRVIEW

GINES

HUMINGI

INIHAHANDA

LEONIDO GINES

MARIO ZALDARRIAGA

QUEZON CITY

RUDY ANDAL

VICTOR LUGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with