Chinese trader dinukot
October 17, 2000 | 12:00am
Isang negosyanteng Intsik ang dinukot ng mga armadong lalaki matapos harangin ang sinasakyan nitong Ford F-150 pick-up habang papasok ng kanilang compound, kamakalawa ng madaling araw sa Malabon.
Sa nakalap na impormasyon, dakong alas-12:45 ng madaling-araw ng harangin ang biktimang si Steward Chu, 31, anak ng may-ari ng Malabon Mirror Co. at nakatira sa #42 Pineapple road, Bgy. Potrero naturang bayan, habang sakay ng Ford F-150 na may plakang WCS-242 at tutukan ng mga suspek ang biktima habang mabilis na dinisarmahan ang guwardiya na noon ay nabigla sa mga pangyayari. Tinangay ang biktima ng mga suspek kung saan ginamit na get-away vehicle ang sasakyan ni Chu.
Nang nasabing araw dakong alas-11 ng umaga ay natagpuan ang inabandonang sasakyan ng biktima ni bgy. chairman Eduardo Nolasco sa kahabaan ng Kasoy road, Bgy. Potrero.
Ayaw namang magbigay ng pahayag ng pamilya ng biktima subalit nagsasagawa na ng masusing imbestigasyon ang pulisya sa motibo ng pangingidnap. (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 2, 2024 - 12:00am