Kinilala ni Superintendent Benjardi Mantele, CPD-station 10 chief ang biktima na si Ferdinand Florentino, nasa hustong gulang at nakatira sa Kamuning, QC.
Ang suspek na kasalukuyang pinaghahanap ng mga awtoridad ay nakilalang si Orianco Tabag, security guard ng Wendys hamburger store.
Ayon sa ulat ng pulisya, bandang alas-2:45 ng madaling araw kahapon ng sitahin umano ng guwardiya ang biktima habang papasok sa naturang food chain dahil sa wala itong tsinelas.
Nagalit umano ang biktima sa ginawang paninita ng suspek sa kanya hanggang sa magkaroon sila ng mainitang pagtatalo na humantong sa pagbunot ng baril ni Tabag saka pinaputukan sa dibdib ang biktima. (Ulat ni Rudy Andal)