Kapatid ng mamamahayag, naloko ng P1M
October 16, 2000 | 12:00am
Isa sa kapatid ng beteranong mamamahayag ang nagsampa ng reklamo sa korte laban sa pangulo at managing director ng isang kumpanya ng gamot makaraang nokohin ang biktima ng mag-asawa sa bentahan ng lupa’t bahay na may halagang P1 milyon.
Sa inihaing reklamo ni Azucena Bigornia-Isabella, 86 sa Parañaque Regional Trial Court, laban sa mag-asawang sina Amado Tadena at Sabina na pawang residente ng 7922 Lawaan St., Brgy. San Antonio, Makati City, lumalabas na nagkaroon ng pagkakamali sa deed of absolute sale kaya inihain ang reklamong "Annulment of Contract".
Nabatid sa abogado ni Isabella na si Atty. Adolfo Reyes na nagkaroon ng kahina-hinalang transaksyon sa nasabing lupa’t bahay partikular ang paglilipat ng titulo na hindi pa nababayaran ang biktima kaya naghain na ng reklamo sa korte upang maresolba ang kaso. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended