3 La Salle students napagtripang mangholdap ng 2 babae, nasakote
October 15, 2000 | 12:00am
Bumagsak sa kamay ng mga elemento ng Western Police District Command (WPDC) Mobile Division ang tatlong estudyante ng De La Salle University makaraang mag-trip at mangholdap ng dalawang kababaihan sa Malate, Maynila kahapon ng madaling-araw.
Naaresto ang mga suspek na ipinagharap na ng kasong robbery, snatching na sina Marcos Jiovanni Roxas, 21, binata, 3rd year college ng Block 2, Lot 3, M. Alvarez Avenue, Luzon, Las Piñas; Jayson Pilapil, 23, 2nd year ng Lot 2 Cain Benedicto st., Metrocor, Las Piñas at Andrei Garlan, 21, binata, ng Block 2, Lot 12, Metropolitan Classic Village, Las Piñas, pawang mag-aaral ng De La Salle University sa Taft Avenue, Manila.
Kinilala naman ni SPO2 Domingo Sanchez, may hawak ng kaso ng Station 5 ng WPDC ang mga biktimang sina Arlene Bocal, 24, fresh graduate ng De La Salle University at ng 2011 Dart st., Paco, at Maribeth Castro, 23, empleyado, ng Singalong.
Nabatid kay Sanchez, naganap ang insidente dakong alas-3:05 ng madaling-araw habang naglalakad ang mga biktima sa kahabaan ng Pedro Gil tapat ng St. Paul College sa Malate nang bigla na lamang umanong lumapit sa mga ito ang tatlong suspek na sakay ng isang kotseng Mitsubishi box-type na kulay grey na may plakang PCS-767.
Mabilis umanong nagsibabaan ang mga suspek sa naturang sasakyan at inagaw mula sa mga biktima ang mga dalang bag.
Nakuha ng mga suspek mula sa mga biktima ang cash na P3,000, mga alahas na Seiko watch, gold bracelets, mahahalagang papeles, P2,500 halaga ng bag, pabango at CD.
Nang tumakas ang mga suspek dala ang nakulimbat na mga gamit at pera, agad namang humingi ng saklolo ang mga biktima na noon ay siya namang daan ng mobile patrol ng WPD.
Agad na naaresto ang mga suspek at narekober mula sa mga ito ang mga ninakaw na gamit. Ang mga suspek ay nakapiit sa Station 5 ng WPD. (Ulat ni Angie Dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended