Oil spill sa Makati City: 2 patay, 4 grabe
October 15, 2000 | 12:00am
Dalawa katao ang nasawi samantalang apat ang kritikal sa tatlong magkakahiwalay na aksidente sanhi ng oil spill na nagpadulas ng daan na naganap sa kahabaan ng Gil Puyat Avenue, Makati City kahapon ng madaling-araw.
Base sa imbestigasyon ni PO2 Edgardo Magalso, ng Southern Traffic Enforcement Group, ang unang insidente ay naganap dakong alas-3 kahapon ng madaling-araw kung saan dead-on-arrival nang dalhin sa Makati Medical Center si Antonio Lao, samantalang ang mga kasamahan nito na sina Carlos Sy at Harian Wong ay kritikal.
Ang tatlo ay sakay ng isang Nissan SGX-200, na may plakang WCZ-992 kung saan binabaybay ng mga ito ang kahabaan ng Gil Puyat Avenue, harapan ng Skyland Plaza.
Dahil madulas ang kalsada, sumalpok sa isang malaking puno ang kanilang sinasakyan.
Pagkaraan ng ilang minuto, isa namang owner-type jeep na may plakang TGY-858 ang bumaligtad na sakay ang mga biktima na sina Darius Garcia kung saan hindi na rin ito umabot ng buhay nang dalhin sa Makati Medical Center, samantalang ang kasama nitong si Jose Ollero, nakatira sa #2655 South Avenue, Makati City ay malubha rin.
Dakong alas-3:40 ng nasabi pa ring petsa at lugar, isa pa ring motorsiklo ang bumaligtad. Hindi pa nakikilala ang nagmamaneho nito at nilalapatan ng lunas sa Makati Med.
Ayon kay Chief Insp. Candido Ruiz, chief ng Southern Traffic Enforcement Group, ang tatlong sunud-sunod na aksidente na ikinasawi ng dalawa katao at ikinalubha naman ng apat pa ay dahil umano sa kumalat na langis. Inaalam pa ng mga awtoridad kung sino ang responsable sa nasabing oil spill. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am