^

Metro

Kaibigan Na Sumulot Ng Mister, Pinagsasaksak Ni Misis

-
Dahil sa malamig nang pakikitungo sa kanya ng kanyang mister sa tuwing magsisiping sila sa higaan, galit na paulit-ulit na pinagsasaksak ng isang 30-anyos na ginang ang kanyang matalik na kaibigang babae na inakusahan niyang nang-agaw ng atensyon at pagmamahal ng kanyang asawa, kahapon ng madaling-araw sa Mandaluyong City.

Inoobserbahan pa ng mga doktor sa loob ng Mandaluyong City Medical Center (MCMC) ang biktimang si Jocelyn Sanchez, 32, dalaga, ng #248 Sto. Rosario, Mandaluyong City.

Nadakip naman ng pulisya ang suspek na si Vilma Discarga y Obonder, 30, may asawa, ng nabanggit ding lugar.

Sa imbestigasyon ni PO2 Jessie Telan, may hawak ng kaso, isang mainitang pagtatalo ang sumiklab sa pagitan ng dalawang babae dakong alas-4 ng madaling-araw kahapon sa loob ng bahay ng biktima. Kinumpronta ng suspek ang biktima ukol umano sa malimit na paglapit-lapit at pagpapa-charming nito sa kanyang mister.

Ito umano ang naging dahilan upang lumamlam ang pakikitungo ng mister niya sa kanya, partikular na nang magsiping sila. Naglalambing umano ito sa asawa ngunit hindi siya pinagbigyan ng kanyang mister.

Madaling-araw nang sugurin nito ang biktima sa loob ng bahay nito dahil sa matinding galit at pagseselos.

Itinanggi naman ni Sanchez ang mga akusasyon ng kaibigan na hindi nito nagustuhan. Isang patalim na dala nito ang binunot at agad na tinarakan ang biktima ng ilang ulit sa katawan hanggang sa duguan itong bumagsak sa sahig.

Mabilis na isinugod ang biktima ng mga nagmalasakit na kapitbahay sa nabanggit na pagamutan. Hindi naman natuloy na ikulong ang suspek matapos na patawarin ito ng biktima at hindi na umano magsasampa ng kaso dahil sa kanilang pinagsamahan bilang magkaibigan. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

BIKTIMA

DAHIL

DANILO GARCIA

INOOBSERBAHAN

ISANG

JESSIE TELAN

JOCELYN SANCHEZ

MANDALUYONG CITY

MANDALUYONG CITY MEDICAL CENTER

VILMA DISCARGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with