Pulis na sumaklolo sa 2 nakuryente, natodas
October 14, 2000 | 12:00am
Isang pulis ang nagbuwis ng buhay matapos nitong sagipin ang dalawang nangingisay na lalaki habang hawak ang napatid na kawad ng kuryente, kahapon ng umaga sa Bagong Silangan, Quezon City.
Nagtamo ng 3rd degree burns ang biktimang si PO3 Ronaldo Punpal, nakatalaga sa Police Community Precinct 1 ng Central Police District-Station 6. Dead-on-arrival ito sa Fairview General Hospital, habang nakaligtas naman ang dalawang lalaki na di nakuha ang mga pangalan.
Sa ulat ni PO1 Larry Leonor, may hawak ng kaso, bandang alas-11 ng umaga kahapon ng makita ni PO3 Punpal sa Cipna compound Bgy. Silangan ang dalawang lalaki na halos nangingisay habang hawak ang napatid na kawad ng kuryente.
Umiral ang pagiging isang alagad ng batas ni Punpal at sinaklolohan ang mga biktima kung saan pilit nitong hinihila ang dalawa, ngunit siya ang nagtamo ng grabeng pinsala.
Pinuri naman ni C/Supt. Victor Luga, CPD director ang ginawang kabayanihan ng kanyang tauhan na isinugal ang buhay makapagligtas lamang ng kapwa sa tiyak na kamatayan. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended