Wanted na Koreano nasakote sa NAIA
October 12, 2000 | 12:00am
Nasakote kahapon ng mga ahente ng Immigration sa Ninoy Aquino International Airport ang isang Korean national na umanoy wanted sa kanilang bansa sa isang multi-million estafa at fraud cases.
Kinilala ni BI Commissioner Rufus Rodriguez ang puganteng si Kim Jung Ho, 47, dating empleyado ng 109-Chrongd Damidong, Kangnam-Gu, Seoul, Korea.
Si Kim Jung ay dumating sa NAIA dakong alas-10:45 ng gabi lulan ng Cathay Pacific flight CX-905 mula sa naturang bansa.
Sa isinagawang beripikasyon, nakumpirma mula sa background records na ipinadala ng Korean Embassy sa Philippine Center on Trans-national Crime (PCTC) na pinaghahanap ito sa kanilang bansa.
Napag-alaman na si Kim Jung ay tumakas sa South Korea noong Disyembre 1999 at nagtungo sa Japan, United States, New Zealand at Hongkong bago nagtuloy sa Pilipinas matapos masangkot sa paglustay ng140 milyon won sa kumpanyang pinaglilingkuran nito.
Agad ding ipinatapon pabalik sa kanilang bansa ang naturang dayuhan makaraang magpalabas ng "exclusion order" ang BI. (Ulat ni Butch Quejada)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest