^

Metro

2 rapist ng 5-anyos na nene tiklo

-
Naaresto ng pulisya ang dalawang mangingisda na umano’y gumahasa at pumatay sa isang 5-taong-gulang na batang babae, kamakalawa ng gabi sa Navotas.

Ang pagkakaaresto sa mga suspek na sina Alberto dela Cruz, 35, at Raymund Castillo, 31, kapwa residente ng Taganahan st., Bagumbayan South, Navotas, ay bunsod ng pagkakuha ng asul na jacket na nakabalabal sa katawan ng biktimang si Rose An Dorender na kapitbahay ng una na umano’y pag-aari ni dela Cruz matapos na maunang madakip si Castillo na siya namang nagturo sa una.

Napag-alaman na noong Linggo pa iniulat na nawawala ang biktima.

Subalit kamakalawa ng gabi dakong alas-7:15, natagpuan ng isang Andy Sumala Sevilla, 30, kalugar ng suspek ang bangkay ng biktima na nakasilid sa sako at wala nang panty na suot samantalang nakabalabal din ito ng asul na jacket na umano’y pag-aari ni dela Cruz.

Lumalabas naman sa imbestigasyon ng Scene of the Crime Office (SOCO) na sinakal at pinalo ng matigas na bagay ang bata na naging sanhi ng kamatayan nito.

Nakapiit ang mga suspek sa Navotas detention cell habang inihahanda ang kasong rape with homicide. (Ulat ni Gemma Amargo)

vuukle comment

ALBERTO

ANDY SUMALA SEVILLA

BAGUMBAYAN SOUTH

CRUZ

GEMMA AMARGO

LINGGO

NAVOTAS

RAYMUND CASTILLO

ROSE AN DORENDER

SCENE OF THE CRIME OFFICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with