FX taxi sumalpok sa truck: 1 patay, 2 sugatan
October 9, 2000 | 12:00am
Isa ang namatay habang dalawa ang malubhang nasugatan makaraang sumalpok ang kanilang sinasakyang FX taxi sa isang nakaparadang 10 wheeler truck kamakalawa ng gabi sa kahabaan ng Quirino Highway Brgy. Putik Novaliches.
Agad namatay si Victor de Jalino, 23 anyos, isang construction worker ng 531 Virgo St. Pangarap Village, Brgy. 181 Tala, Caloocan City habang ang mga kasamahan nitong sina Lito Nabuwal, 22 anyos, isang welder ng Catbalogan City at Adriano Cañero, 29 anyos ng 12 Virgo St., Pangarap Village Brgy. 181 Tala, Caloocan City ay malubhang nasugatan at isinugod sa St. Lorence Hospital.
Batay sa talaan ng pulisya, naganap ang naturang insidente dakong 11:45 ng gabi sa kahabaan ng nasabing lugar habang tinatahak ng FX taxi na may plakang PWY931 na minamaneho ng isang nagngangalang Jerry Peña at sakay ang mga biktima.
Dahil sa bilis ng takbo ni Peña hindi umano nakita nito ang nakaparadang truck sa harapan ng Southern System Refrigiration Aircon and Sale Parts sa nasabing lugar kayat sila ay sumalpok.
Sa lakas ng salpok ay nasawi si De Jalino.
Mabilis na tumakas si Peña at ang mga saksi ay agad sumaklolo sa mga biktima at isinugod ang mga ito sa nasabing ospital. (Ulat ni Jhay Mejias)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 4, 2024 - 12:00am
November 2, 2024 - 12:00am