Itoy matapos dagsain ng napakaraming reklamo ang LTFRB mula sa mga pasahero na umangal sa pagtaas ng mga FX taxi driver partikular na ang mga biyaheng Pasig-Quiapo ng P5 sa kanilang pasahe na gumaya sa inaprubahang P1 taas-pasahe sa mga pampublikong jeep at bus.
Sa ilalim ng Memorandum of Agreement na pinirmahan ni Airforce Reserve Capt. Estrada at Chairman Dante Lantin, magpapanggap na mga pasahero ang mga miyembro ng Anak ng Masa. Sa oras na makatiyempo sila ng mga abusadong driver, huhulihin nila ito at sasampahan ng kaso sa korte.
Ayon sa LTFRB, karaniwang problema kaya hindi napaparusahan ang mga abusadong driver ay dahil sa hindi pagsipot ng mga nagrerekamong pasahero sa kanilang pagdinig sa korte, kaya halos lahat ng kaso ay nadi-dismiss.
Hinikayat din ni Lantin na isulat ng mga pasahero ang plaka at pangalan ng taxi na sinakyan at isumite agad sa kanilang tanggapan upang magawaran ng kaukulang aksyon o tumawag ang publiko sa kanilang hotline na 426-2505. (Ulat ni Danilo Garcia)